
<< Psalm 150 >> Psalm 150 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905) | |
1 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
2 Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
3 Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
4 Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta.
5 Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
6 Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.
<< Psalm 150 >> Ang Dating Biblia -- Philippines Bible Society (1905), Tagalog (Philippines National Language) -- Bible is Recognized by its Title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia) -- Typed From the Ang Biblia Tagalog, by Richard und Dolores Long. -- This Bible is now Public Domain.
Biblos.com Online Bible |