
<< Psalm 128 >> Psalm 128 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905) | |
1 Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan.
2 Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
3 Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang.
4 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon.
5 Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
6 Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel.
<< Psalm 128 >> Ang Dating Biblia -- Philippines Bible Society (1905), Tagalog (Philippines National Language) -- Bible is Recognized by its Title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia) -- Typed From the Ang Biblia Tagalog, by Richard und Dolores Long. -- This Bible is now Public Domain.
Biblos.com Online Bible |