Psalm 120

<< Psalm 120 >>
Psalm 120 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
 

1 Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.

2 Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.

3 Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?

4 Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.

5 Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!

6 Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.

7 Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.


<< Psalm 120 >>
Ang Dating Biblia -- Philippines Bible Society (1905), Tagalog (Philippines National Language) -- Bible is Recognized by its Title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia) -- Typed From the Ang Biblia Tagalog, by Richard und Dolores Long. -- This Bible is now Public Domain.

Biblos.com Online Bible